Mag-play ng mga High Efficiency Video Coding (HEVC) video sa anumang video app sa iyong Windows 10 device. Ang mga extension na ito ay dinisenyo para sulitin ang mga kakayahan ng hardware sa ilan sa mga mas bagong device—kasama ang mga may Intel 7th Generation Core processor at mas bagong GPU para masuportahan ang 4K at Ultra HD na content. Para sa mga device na walang suporta sa hardware para sa mga HEVC video, nagbibigay ng suporta sa software, pero maaaring mag-iba-iba ang karanasan sa playback batay sa resolution ng video at performance ng PC. Ang mga extension na ito ay nagbibigay-daan din sa iyong mag-encode ng HEVC na content sa mga device na walang hardware-based na video encoder.