Ang KarmaZoo ay para sa pagtulong sa tao, pagtutulungan, at paghahanap ng kasiyahan sa kooperasyon — lalo na kung may nangyayaring mali. Bumuo ng makabuluhang mga koneksyon sa ganap na mga random na manlalaro online habang nagsisikap silang lahat kasama mo na kitain ang pinakamahalagang mapagkukunan sa lahat: ang Karma.
WALANG KATAPUSANG PAGSUBOK
Ang Loop ay kung saan sasali ka sa team ng hanggang 10 random na manlalaro mula sa iba't ibang panig ng mundo. Nang magkakasama, haharapin niyo ang serye ng pahirap nang pahirap na mga antas na umaayon sa laki ng iyong team, sa mga karakter na nilalaro mo at mga gantimpalang pinipili niyo nang magkakasama. Walang laro ang pareho kapag nagbabago ang mga manlalaro at ang laro mismo!
ANG KAPANGYARIHAN NG KARMA
Naghahatid ng Karma ang paggawa ng mabuti! Manatiling magkakasama, gamitin ang kalakasan ng mga karakter mo, at isakripisyo maging ang sarili mo dahil kinakailangan ang pagtulong sa iba sa nakakamatay na mga pagsubok sa Loop. Naghahatid ang bawat magandang ginagawa mo, sa paano't ano pa man, ng matamis na Karma na magagamit para makapag-unlock ng bagong mga karakter at kakayanan para sa mga Loop sa hinaharap.
LOKAL NA MULTIPLAYER
Magiliw na tumatanggap ng mga kaibigan o pamilya sa bahay? Tapusin para maabot ang tuktok ng Totem sa iisang screen. Hamunin ang hanggang 8 manlalaro sa mabilisan at mabibilis na mga mini-game na naghahatid ng bagong diwa sa mga kakayanang dinisensyo sa paggawa ng mabuti.
INIANGKOP PARA SA IYO
Makakatulong ang kahit na sino sa kanilang team na kumita ng Karma! Bago ka man sa mga laro o mahusay nang beterano, makakahanap ka ng komunidad na layunin ang kabutihan ng lahat. Available sa 22 wika, puwedeng maglaro sa iba't ibang platform sa pagitan ng PC at console, at may mga pribadong lobby para maglaro nang kasama lang ang mga kaibigan, iniimbitahan ka naming lahat sa KarmaZoo!