Kunin ang WhatsApp Beta at isa ka sa mga unang makakasubok ng mga updated na feature at makakapagbigay ng feedback tungkol sa bagong app. Gaya ng dati, protektado ng magkabilaang encryption ang iyong mga personal na mensahe at tawag. Walang sinuman sa labas ng mga chat mo ang makakabasa o makakarinig sa mga ‘yon, kahit na ang WhatsApp.
Ang WhatsApp ay isang libreng messaging at video calling app na ginagamit ng mahigit 2B tao sa mahigit 180 bansa. Simple, reliable at private ito, kaya madali mong makokontak ang mga kaibigan at pamilya.