Isa ka mang artist o gusto mo lang sumubok ng ilang doodle–pinapadali ng Paint 3D na ipamalas ang iyong pagkamalikhain at bigyang buhay ang iyong mga ideya. Makabago na ang Classic Paint, at mayroon na itong na-update na hitsura at dating at napakaraming bagong brush at tool. Makakagawa ka na ngayon sa bawat dimensyon. Gumawa ng mga 2D masterpiece o 3D model na mapaglalaruan mo sa lahat ng anggulo.