Ma-experience ang mga natatanging puzzles at mga critically-acclaimed na kuwentong na-enjoy ng milyon-milyong players. Imbestigahan ang mga cryptic clues, magbunyag ng misteryo, at lumutas ng mga puzzles sa mga adventures na mahusay na in-illustrate!
MAGLARO NG MALUPET NA KUWENTO
Magligtas ng mahiwagang kaharian sa Cursed Crown. Maglaro bilang si Prinsesa Nimue sa kaniyang misyon na iligtas ang mga mamamayan niya. Matuto ng mga magical spells gaya ng kakayahang makakita sa mga pader o palakihin ang mga halaman. Gumawa ng mga desisyon na maiimpluwensiyahan ang kalalabasan ng kuwento sa iyong misyon.
Lumutas ng murder mystery sa Trapmaker. Maglaro bilang si Detective Kate Gray at maranasan ang trabaho niya sa pag-imbestiga ng isang misteryosong murder. Mag-interrogate ng mga suspek gamit ang sarili mong desepsiyon para madiskubre ang mga sikreto ng lahat.
Tumakas sa isang gumuhong lungsod at pigilan ang bagyo na nagbabanta sa mundo sa Dark Ruins! May team ng mga archeologists na nag-crashland sa isang kagubatan at nakadiskubre muli ng isang nakalimutan at isinumpang lungsod. Mabilis silang nasangkot sa 500-taóng misteryo na nagbabanta muli na bahain ang mundo. Makakatagal ba sa gabi ang mga bayani natin at maliligtas ang mundo? Mababaliw ba sila pag nagkatagpo ang siyensiya at mahika? Ano -- o sino -- ang dapat nilang isakripisyo para maka-survive?
LUMUTAS NG MGA NATATANGING PUZZLES
Gamitin ang iyong mga observation skills, deductive reasoning, at desepsiyon para malutas ang mga puzzles namin. Mangolekta ng mga kayamanan at tools sa iyong inventory, humanap ng mga clues, at mag-enjoy sa isang mahusay na escape room experience mula sa iyong mobile device.
LIBRE TALAGA
Laruin ang buong laro namin nang libre! Puwede mong suportahan ang Haiku sa pagbili ng hint pag na-stuck ka na, pero hindi ka kailanman pipilitin. At hindi - hindi kami gumagawa ng mga imposibleng puzzles para mapilitan kang magbayad. Isa pa, hindi kami kailanman magpapakita ng ads habang busy ka sa game world.
MGA REVIEW NG RAVE
Ang Adventure Escape ay nalaro na ng milyon-milyong players at may >4.5 star average rating. Pinili ng game critics tulad ng AppPicker, TechWiser, AndroidAuthority, at AppUnwrapper ang Adventure Escape games bilang pinakamagandang escape room game.
SUMUPORTA SA ISANG INDIE COMPANY
Isa kaming indie game studio na mahilig gumawa ng mga laro at puzzles. Ang totoo, nakapunta na ang team namin sa higit isang daang escape rooms. Sa Haiku, mayroon kaming game design philosophy na tinatawag naming “satisfying challenge.” Sa tingin namin dapat mahirap ngunit nalulutas ang mga puzzles, kaya naglalaan kami ng maraming oras sa pag-design ng mga natatanging puzzles na sa tingin namin magugustuhan ninyo!