Ang JW Library ay isang opisyal na app na ginawa ng mga Saksi ni Jehova. Mayroon itong iba’t ibang salin ng Bibliya, pati mga aklat at brosyur para sa pag-aaral ng Bibliya.
Mga Feature ng Bibliya
• Pumili mula sa anim na salin ng Bibliya.
• Ihambing ang mga available na bersiyon ng Bibliya sa pamamagitan ng pag-tap sa numero ng talata.
• Tingnan ang kaugnay na materyal sa pamamagitan ng pag-tap sa footnote marker o reference letter.
Navigation
• I-swipe pakaliwa o pakanan para mabilis na ma-navigate ang publikasyong binabasa.
• Lagyan ng bookmark ang anumang talata o kabanata para madaling makita ang pinakahuli mong binasa at maipagpatuloy ito.
• Gamitin ang history feature para ma-access agad ang pinakahuli mong binasa.
• Hanapin ang mga salita sa publikasyon gamit ang search feature (maghanap).