Ang Microsoft Powerpoint Mobile ay ang pinakamahusay na app para sa pagsusuri, paghahatid, at paggawa ng mga presentation sa mga Windows phone at tablet (na may laki ng screen na 10.1 pulgada o mas maliit). *Sa Enero 12, 2021 mararating ng app na ito ang Pagtatapos ng Suporta sa mga teleponong gumagamit ng Windows 10 Mobile. Alamin pa sa https://aka.ms/OfficeWindows10MobileEOS.*
*** Para mag-edit ng mga presentation sa mga desktop, laptop, malaking tablet, at gamit ang Continuum* para sa mga telepono, kailangan ng subscription sa Office 365. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang mga kinakailangan. ***
MAG-PRESENT KAHIT SAAN
• Magsanay at mag-present mula sa iyong telepono o tablet.
• Gumuhit sa iyong mga slide habang nagpe-present para bigyang-diin ang mga pangunahing punto.
SUMURI AT MAG-EDIT HABANG NASA LABAS KA
• Kunin ang iyong mga file kahit saan, salamat sa pagsasama-sama sa OneDrive, SharePoint at Dropbox.
• Huwag mag-alala tungkol sa pagse-save. Kapag nag-edit ka sa iyong tablet o telepono, sine-save ng PowerPoint ang iyong trabaho para hindi mo na gawin ito.
• Ibahagi ang iyong mga presentation sa pamamagitan ng ilang pag-tap, at imbitahan ang iba na suriin ang mga ito.
• Magtrabaho bilang isang team at sabay-sabay na mag-edit ng mga presentation kasama ang iba.
• Mabilis na hanapin ang tamang command. Dinadala ka ng Sabihin sa Akin sa tampok na kailangan mo.
GUMAWA NANG MAY KUMPIYANSA
• Gamitin ang iyong telepono bilang isang PC para i-edit at suriin ang mga presentation sa isang malaking screen.
• Simulan ang iyong proyekto gamit ang mga tema na maganda ang disenyo.
• Gumamit ng pamilyar at maraming tampok sa pagfo-format para sabihin ang iyong istorya.
• Nananatiling maayos at mukhang maganda ang disenyo at layout ng presentation—kahit anong device ang gamitin mo.
MGA KINAKAILANGAN
Ginawa ang bersyon ng PowerPoint na ito para sa mga telepono at tablet (na may laki ng screen na 10.1 pulgada o mas maliit). Sa mga device na iyon, maaari kang tumingin, gumawa at mag-edit ng mga presentation sa PowerPoint nang libre. Kailangan mo ng karapat-dapat na subscription sa Office 365 para gamitin ang mga advanced na tampok. Matuto nang higit pa sa www.office.com/information.
Sa mga mas malaking tablet, laptop at desktop, maaari mong makita ang mga presentation nang libre. Kailangan ng karapat-dapat na subscription sa Office 365 para gumawa at mag-edit ng mga presentation. Kasama rin sa Office 365 ang mga pinakabagong bersyon ng desktop ng Word, Excel, PowerPoint, OneNote at Outlook—inirerekumendang gamitin sa mga desktop at laptop. Maaari kang mag-sign up para sa Office 365 sa loob ng app, at makakuha ng libreng isang buwan kung mag-sign up ka sa unang pagkakataon.
* Available lang sa mga piling Windows 10 premium phone ang Continuum para sa mga telepono. Kailangan ng accessory na tumutugma sa Continuum, kasama ang isang external na monitor na sinusuportahan ang HDMI input.