Ang Microsoft Word Mobile ay ang pinakamahusay na app sa pagsusuri, pag-e-edit, at paggawa ng mga dokumento sa mga Windows phone at tablet (na may laki ng screen na 10.1 pulgada o mas maliit). *Sa Enero 12, 2021 mararating ng app na ito ang Pagtatapos ng Suporta sa mga teleponong gumagamit ng Windows 10 Mobile. Alamin pa sa https://aka.ms/OfficeWindows10MobileEOS.*
*** Para gumawa at mag-edit ng mga dokumento sa mga desktop, laptop, malaking tablet, at gamit ang Continuum* para sa mga telepono, kailangan ng subscription sa Office 365. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang mga kinakailangan. ***
MAGBASA NANG KUMPORTABLE
• Mas pinapadali ng bagong view para sa pagbabasa na magbasa ng mahahabang dokumento sa mga telepono at tablet.
• Mag-tap ng maliit na larawan o talahanayan para makita ang bawat detalye sa isang full-screen na view.
• Dalhin ang mga kaalaman mula sa web patungo mismo sa iyong mga dokumento sa Word gamit ang Smart Lookup
SUMURI AT MAG-EDIT HABANG NASA LABAS KA
• Kunin ang iyong mga file kahit saan, salamat sa pagsasama-sama sa OneDrive, SharePoint at Dropbox.
• Tumugon sa mga komento at gumawa ng mabibilis na pagbabago sa pagpindot ng iyong daliri.
• Huwag mag-alala tungkol sa pagse-save. Kapag nag-edit ka sa iyong tablet o telepono, sine-save ng Word ang iyong trabaho para hindi mo na gawin ito.
• Magbahagi ng mga dokumento sa pamamagitan ng ilang pag-tap, at imibitahan ang iba na suriin ang mga ito.
•Magtrabaho bilang isang team at sabay-sabay na mag-edit ng mga dokumento kasama ang iba.
• Mabilis na hanapin ang tamang command. Dinadala ka ng Sabihin sa Akin sa tampok na kailangan mo.
GUMAWA NANG MAY KUMPIYANSA
• Gamitin ang iyong telepono bilang isang PC para magsulat at sumuri ng mga dokumento sa isang malaking screen.
• Simulan ang iyong proyekto gamit ang mga template na maganda ang disenyo.
• Gumamit ng pamilyar at maraming opsyon sa pagfo-format at layout para ipahayag ang iyong mga ideya.
• Nananatiling maayos at mukhang maganda ang format at layout ng dokumento—kahit anong device ang gamitin mo.
MGA KINAKAILANGAN
Ginawa ang bersyon ng Word na ito para sa mga telepono at tablet (na may laki ng screen na 10.1 pulgada o mas maliit). Sa mga device na iyon, maaari kang tumingin, gumawa at mag-edit ng mga dokumento sa Word nang libre. Kailangan mo ng karapat-dapat na subscription sa Office 365 para gamitin ang mga advanced na tampok. Matuto nang higit pa sa www.office.com/information.
Sa mga mas malaking tablet, laptop at desktop, maaari mong makita ang mga dokumento nang libre. Kailangan ng karapat-dapat na subscription sa Office 365 para gumawa at mag-edit ng mga dokumento. Kasama rin sa Office 365 ang mga pinakabagong bersyon ng desktop ng Word, Excel, PowerPoint, OneNote at Outlook—inirerekumendang gamitin sa mga desktop at laptop. Maaari kang mag-sign up para sa Office 365 sa loob ng app, at makakuha ng libreng isang buwan kung mag-sign up ka sa unang pagkakataon.
* Available lang sa mga piling Windows 10 premium phone ang Continuum para sa mga telepono. Kailangan ng accessory na tumutugma sa Continuum, kasama ang isang external na monitor na sinusuportahan ang HDMI input.