Mas mabilis at mas simple na ang Camera app kaysa dati. I-point at i-shoot lang para awtomatikong kumuha ng magagandang larawan sa anumang PC o tablet na nagpapatakbo ng Windows 10.
• Habang nagre-record ng video, mag-pause at magpatuloy kailan mo man gusto—awtomatikong pagsasamahin ng Camera app ang lahat ng ito sa iisang video, para maaari mong laktawan ang mga nakakabagot na bahagi at i-capture lang ang mahalaga.
• Gamitin ang timer para makasama ka sa shot.
• Kumuha ng perpektong larawan gamit ang framing grid.
• Awtomatikong i-back up ang iyong mga larawan sa OneDrive para mapupuntahan mo ang mga ito mula sa anumang device, kasama ang telepono mo.
At kung sinusuportahan ito ng hardware ng iyong device, magagawa mo ang sumusunod:
• Makatipid ng oras sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan ng whiteboard sa halip na isulat ang lahat ng ito—awtomatikong ginagawang mas nababasa ng Camera app ang shot. *(1,2)
• Ihinto ang pagpunta sa scanner. Kuhanan lang ng larawan ang anumang dokumento—pinapalinaw ng mga bagong mode ang larawan kaya mababasa ito. *(1,2)
• I-capture ang mas malaking bahagi ng scene gamit ang panorama. *(1,2)
• Mag-shoot ng mas maaayos na video, kahit na nanginginig ang mga kamay mo, salamat sa digital na video stabilization. *(4)
• I-capture ang iba't ibang contrast at maging mas detalyado sa shot sa mga lugar na maliwang at madilim gamit ang HDR (High Dynamic Range). *(4)
*1 Nangangailangan ng world facing camera
*2 Nangangailangan ng camera na sumusuporta sa 1080p o mas mataas na resolution
*3 Nangangailangan ng camera na sumusuporta sa 4K resolution
*4 Available sa mga piling device na may sumusuportang hardware