Ang Microsoft Excel Mobile ay ang pinakamahusay na app sa pagsusuri, pag-a-update at paggawa ng mga spreadsheet sa mga Windows phone at tablet (na may laki ng screen na 10.1 pulgada o mas maliit). *Sa Enero 12, 2021 mararating ng app na ito ang Pagtatapos ng Suporta sa mga teleponong gumagamit ng Windows 10 Mobile. Alamin pa sa https://aka.ms/OfficeWindows10MobileEOS.*
*** Para mag-edit ng mga spreadsheet sa mga desktop, laptop, malaking tablet, at gamit ang Continuum* para sa mga telepono, kailangan ng subscription sa Office 365. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang mga kinakailangan. ***
MGA SPREADSHEET KAHIT SAAN
• Maganda ang mga spreadsheet sa iyong telepono at tablet: nandoon lahat ang formula, chart, talahanayan, kondisyonal na pag-format.
• Magsimula kung saan ka huling natapos: Natatandaan ng Excel kung ano ang huli mong ginawa, kahit na magpalipat-lipat ka ng mga device.
SUMURI AT MAG-EDIT KAHIT SAAN
• Kunin ang iyong mga file kahit saan, salamat sa pagsasama-sama sa OneDrive, SharePoint at Dropbox.
• Gumawa ng mga mabilisang pagbabago sa pamamagitan ng pagpindot ng iyong daliri. Mag-drag ng mga column at maglipat ng mga worksheet. Mag-tap para magdagdag ng data, mag-format ng mga chart at mag-navigate sa malalaking spreadsheet.
• Huwag mag-alala tungkol sa pagse-save. Kapag nag-edit ka sa iyong tablet o telepono, sine-save ng Excel ang iyong trabaho para hindi mo na gawin ito.
• Magbahagi ng mga spreadsheet sa pamamagitan ng ilang pag-tap, at imibitahan ang iba na suriin ang mga ito.
• Mabilis na hanapin ang tamang command. Dinadala ka ng Sabihin sa Akin sa tampok na kailangan mo.
GUMAWA NANG MAY KUMPIYANSA
• Gamitin ang iyong telepono bilang isang PC para mag-edit at sumuri ng mga spreadsheet sa isang malaking screen.
• Simulan ang iyong mga proyekto gamit ang mga template na nakakatipid ng oras.
• Magdagdag ng mga formula gamit ang isang onscreen na keyboard na may mga karaniwang function na built in mismo.
• Gumamit ng pamilyar at maraming opsyon sa pagfo-format at layout para ipahayag ang iyong mga ideya.
• Nananatiling maayos at mukhang maganda ang disenyo at layout ng presentation—kahit anong device ang gamitin mo.
• Biswal na i-explore ang data gamit ang mga bagong uri ng chart, tulad ng mga chart na Treemap, Sunburst at Waterfall.
MGA KINAKAILANGAN
Ginawa ang bersyon ng Excel na ito para sa mga telepono at tablet (na may laki ng screen na 10.1 pulgada o mas maliit). Sa mga device na iyon, maaari kang tumingin, gumawa at mag-edit ng mga spreadsheet sa Excel nang libre. Kailangan mo ng karapat-dapat na subscription sa Office 365 para gamitin ang mga advanced na tampok. Matuto nang higit pa sa www.office.com/information.
Sa mga mas malaking tablet, laptop at desktop, maaari mong makita ang mga spreadsheet nang libre. Kailangan ng karapat-dapat na subscription sa Office 365 para gumawa at mag-edit ng mga spreadsheet. Kasama rin sa Office 365 ang mga pinakabagong bersyon ng desktop ng Word, Excel, PowerPoint, OneNote at Outlook—inirerekumendang gamitin sa mga desktop at laptop. Maaari kang mag-sign up para sa Office 365 sa loob ng app, at makakuha ng libreng isang buwan kung mag-sign up ka sa unang pagkakataon.
* Available lang sa mga piling Windows 10 premium phone ang Continuum para sa mga telepono. Kailangan ng accessory na tumutugma sa Continuum, kasama ang isang external na monitor na sinusuportahan ang HDMI input.