Ako ay si Calculator! – ang perpektong calculator para sa Windows 8. I-snap ako, pihitin ako, o hayaang punan ko ang buong screen ng apat na magagandang pangkalikasang tema. Madali akong gamitin at artistiko ang aking disenyo para mas mahusay na magawa ang mga bagay kaysa sa iyong desktop na calculator.
Natutuwa ako kapag nakakatipid ka sa oras at hindi nahihirapan. Madali akong nakakapag-Copy at Paste ng mga halaga papunta sa at mula sa mga ibang app. Lagi kong natatandaan kung ano ang ginagawa mo, kaya nung kailangan mong lumabas at gumawa ng ibang bagay, pananatiliin kong naghihintay lahat ito sa iyo pag balik mo. Mas mainam pa, palaging nag-a-update ang aking mga Live Tile, kaya lagi mong makikita ang pinakabago mong resulta sa isang sulyap, mula mismo sa iyong Start Screen.
Kaakit-akit ako at epektibo at sinusulit ko ang iyong Windows 8 na display. Kung nais mong baguhin ang senaryo, tapikin lang ang isa sa mga pindutan ng tema ng kulay sa itaas ng screen.
Bandang huli, maaari ka nang magpaalam sa pagkakalimot kung nasaan ka na sa isang kalkulasyon – papakita ko sa iyo eksakto kung ano ang nagaganap sa lahat ng oras, sa malinaw na eleganteng tipo. Kung magkamali ka, gamitin ang backspace upang madaling itama ito, sa halip na ulitin mula simula.
Subukan ako ngayon at sa wakas ay papahingahin na ang desktop calculator na iyan!